Dear Moon,
I am always at a lost for words when it comes to you. Lagi ko na lang natatagpuan ang sarili ko na blangko kapag ikaw na ang pinag-uusapan o kapag nariyan ka sa harap ko. Crazy it may seem but I really want to talk to you, to start a conversation with you. Pero natatakot ako kung ano ang dapat kung sabihin. Para bang pinipili ko ang lahat ng mga salitang lumalabas sa bibig ko kapag ikaw na ang kausap ko. I know that all I have to do is to be myself when I'm with you but I don't know how.
Anyway, intro pa lang 'yon sa lahat ng gusto kong sabihin sa iyo. Pero bago ang lahat, may ikukwento muna ako. Remember when we saw each other last 12/12/12? Sa araw na iyon, napatunayan ko ang kasabihang "If it's God's will, it will really happen".
Kagagaling ko lang noon sa school. Sobrang nagmamadali ako dahil kailangan ko pang puntahan ang pinsan ko na naghihintay sa 'kin sa mall na katapat lang ng university kung saan ako pumapasok. Kailangan pa kasi naming umuwi sa bukid nang gabing iyon dahil pinauwi kami nina Mama. I was on my way to the sky walk when I saw you - wearing a yellow t-shirt, denim pants, dark gray rubber shoes and with your backpack. My heart immediately recognized you after so many months of not seeing you. It started to beat erratically and wildly. At kagaya noong kapag nagkakasalubong tayo, nataranta na naman ako. Sa halip na batiin ka, nilagpasan lang kita at dumiretso na ako paakyat ng sky walk. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa'yo. Namalayan ko na lang din ang sarili kong mga paa na pabilis ng pabilis ang paglalakad - upang maiwasan ka. Hindi naman sa hindi kita gustong makita, natataranta lang talaga ako sa presensiya mo at sa mabilis na tibok ng puso ko. But no worries, despite the crazy beating of my heart, I felt really good.
Akala ko hindi na muling magku-krus ang mga landas natin sa araw na 'yon. Pero nakita na naman kita roon sa baba ng mall at naghihintay ng taxi. Uwian na kasi noon at mahirap nang makasakay ng jeep, hindi ba? Nagkita na rin kami ng ate ko at pumunta sa Red Ribbon para mag-hapunan. "Umuwi na siguro siya" iyan ang sinambit ko sa aking sarili habang kumakain ako - ignoring the regret that sprung in my heart. Parang naririnig ko pa nga ang puso ko na nagsasabing "You stupid brat! Minsan na nga lang kayong magkasalubong, pinalampas mo pa! Tanga ka ba?". Pero hindi ko pinansin ang mahadera kong puso.
Pagkatapos kumain, dumiretso na kami ni Ate sa sakayan ng jeep. Sinuwerte naman kami dahil may jeep na dumating agad at hindi pa iyon masyadong puno. Kaagad na sumakay kami roon. Ilang minuto pa at nakaparada pa rin ang jeep sa terminal, that was when you came. Hindi ka pa pala nakauwi. You took your seat inside the jeepney, right in front of me. Muntik na akong mawalan ng ulirat sa mabilis na namang pagtibok ng puso ko.
And then it happened... You saw me among all the passengers. Na-i-imagine kong biglang nagliwanag ang mukha ko. Then, you smiled at me-that smile that was really meant for me. You even waved your hand to greet me. Kusang ngumiti ang mga labi ko at umangat ang kamay ko para batiin ka rin. That was when I know, no words could suffice what I feel for you kaya lagi akong nawawalan ng masasabi kapag nag-uusap tayo.
That was the first time I traveled back home with you. Noong bumaba pa ako, pinauna mo pa ako. You're really a gentleman, Moon-oppa.
And I love you. I really, really, really do.
Love,
Mortal

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento